TINIYAK ng Palasyo na patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Seoul at sa Consulate General sa Agana ang sitwasyon sa harap naman ng banta ng North Korean na bobombahin ang Guam.
“Officials have been monitoring the situation closely and have been working closely with the Filipino communities in the Republic of Korea and Guam, respectively, to ensure preparedness for any eventuality,” sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Kasabay nito, sinabi ni Abella na patuloy ang panawagan ng Pilipinas na maging mahinahon para hindi na lumala ang sitwasyon.
“The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” dagdag ni Abella.
MOST READ
LATEST STORIES