HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin makapaniwala si Ian Veneracion na sa edad niyang 42 ay magiging leading man pa siya, and take note, di hamak na mas bata sa kanya ang mga nagiging leading lady niya.
Kaya nga totoong-totoo para sa kanya ang kasabihang “life indeed begins at 40.” Two years ago ay bumida si Ian bilang si Eduardo Buenavista sa remake ng Pangako Sa ‘Yo kung saan nakatambal niya si Jodi Sta. Maria na siyang gumanap sa iconic character na Amor Powers.
Dahil nga sa tagumpay ng PSY kung saan bumida rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naging isa si Ian sa mga pambatong leading man ng ABS-CBN.
Sa ngayon, patuloy pa ring pinaiibig at pinakikilig ni Ian ang televiewers dahil sa pagganap niya bilang Anton Noble IV sa Kapamilya primetime serye na A Love To Last opposite Bea Alonzo.
Pero sa presscon ni Ian bilang bagong celebrity ambassador ng Conzace Multivitamis+Mineral, inamin ni Ian na mas marami siyang fans na “lola, “tita” at “mommy” base na rin sa mga nagpapa-picture sa kanya.
“Like the other day, may napakagandang babae, lumapit sa akin, sabi niya, ‘Can I have a picture?’ Sabi ko, ‘Of course.’ Then he told me, ‘Crush ka ng lola ko!’”
“So medyo masakit lang. Ha-hahaha! I said, ‘Lola lang talaga?’ ‘Oo, pati mommy ko.’ Ah okay!” natatawa pa ring chika ni Ian. Pero aniya, naa-appreciate niya talaga ‘yung mga taong bumabati sa kanya kapag nakikita siya sa labas, iba pa rin daw ‘yung feeling na alam mong marami kang napapasayang tao.
Pero alam n’yo ba na sa kabila ng napakagwapo at napakakinis na mukha ng aktor, hindi pala siya ganu’n ka-vain. Hindi rin daw siya mahilig pumunta sa gym para magpaganda ng katawan.
“It’s so not me. I am so afraid to become vain. Ever since I was a kid, I’m afraid. For example, kaya ako never nagka-abs sa buong buhay ko, hindi ko ma-imagine ‘yung sarili ko going to the gym. Hindi bagay sa akin. Saka yung mga nakakakilala sa akin, alam nila ‘yung ugali ko, hindi ako ganu’n,” paliwanag ni Ian.
Kapag wala siyang trabaho, sports lang daw ang pinagkakaabalahan niya, “Sa showbiz, napupuyat tayo, but healthy pa rin naman. Pero siyempre, mapapansin mo, mas napapansin kung bumibigat ka.
“Aminado tayo na kailangan na rin ng supplements, gaya nito (Conzace), may Vitamins A, C, E, and Zinc. Hindi naman kasi ako ‘yung conscious sa mga wrinkles, yung mga ganyan. If I do that, I won’t be able to enjoy extreme sports with my kids, nasa araw ka, e. Masuwerte rin ako na malago ang buhok ko,” sey pa ng Kapamilya actor.
Kahit na biglang-sikat uli siya, wala naman daw masyadong pagbabago sa kanyang personal life, “I still live in the same house. I have the same wife. I drive the same car, so wala. Siguro the only difference is, a, dumami lang ‘yung video greeting, ‘yun lang!”
Samantala, naniniwala naman ang mga taong nasa likod ng Conzace na perfect si Ian para maging ambassador ng kanilang produkto dahil bukod nga sa healthy lifestyle nito, kilala rin ang aktor sa pagiging professional at disiplinado sa trabaho. Not to mention the fact na isa siyang mabuting asawa at ama.