Maine sineryoso na ang pagnenegosyo

MAINE MENDOZA

DINAIG ang mga pila sa opening day ng isang movie ang naganap sa pagbubukas ng food chain business ni Maine Mendoza kahapon sa Santa Clara, Bulacan.

Top spot agad ang hashtag na ipinalabas sa trending topics sa Twitter. Bihira raw mangyari ‘yon sa super-duper na mahabang pila sa kahit anong food chain, huh!

Madaling-araw pa lang kasi, super haba na ang pila ng taong gustong makapasok sa food chain. Nang dumating si Maine kasama ang pamilya, taasan ng cellfones ang mga nandoon para makuhanan ng picture ang kanilang idolo.

Kasama ng Phenomenal Star sa ribbon cutting ang pamilya at President & CEO ng food chain na si Kenneth Yang. Seryoso na si Maine sa pagnenegosyo, talagang pinaghahandaan na niya ang kanyang future.

Sa isang post naman ng isang fan, dahil sa dami ng tao, may isang matandang sumikip ang dibdib. Pinapasok siya sa loob ng tatay ni Meng para lumuwag ang pakiramdam.

Natandaan naman ng isang fan nu’ng maging bahagi ng National Breakfast Day ng food chain ang kanilang idolo. Inisnab daw ang pag-assist ni Meng sa counter ng ilang TV shows at executives ng food chain. Ngayon, siya na ang pinuntahan sa itinayong negosyo, huh!

Nasabay ang ribbon-cutting ng food chain ni Maine sa biyahe ni Alden Richards patungong Houston, Texas, kahapon.

Read more...