Arci Muñoz naadik raw sa pagpaparetoke, busargang bibig parang sinapak ng lasing

ANG pagpaparetoke raw ay parang pagpapa-tattoo. Minsang natikman ay bi-nabalik-balikan. Nakakaadik. Hahanap-hanapin ng nagpagawa.

Mukhang nagkatotoo ‘yun kay Arci Muñoz na bumibida ang itsura ngayon sa social media. Pinagtatawanan ang aktres, pinipintasan, dahil ilang paligo na lang daw ang kailangan ay plakado na ang itsura nila ng namayapang Pop Icon na si Michael Jackson.

May ginawang “art work” ang aming assistant na si Japs Gersin, collage ‘yun ng mga nakaraang larawan ni Arci Muñoz, kasama ang kasalukuyan na niyang itsura.

Napakalayo! Ang ganda-ganda nu’n ni Arci, walang mali sa kanyang mukha, walang dapat baguhin sa kanyang itsura.

Nagsimula ang pagpaparetoke ni Arci sa labi. Namumurok nu’n ang kanyang lips, parang sinuntok ng lasing, dahil namumusarga. Hanggang sa nagkasunud-sunod na nga ang pagpapabago niya ng kanyang itsura.

Ang pinakahuling picture niyang lumabas ang talagang pinagpistahan ng mga netizens. Sangkatutak na pamimintas ang inabot ng sexy actress-singer.

Tantanan na raw niya ang pagsailalim sa kung anu-anong enhancement dahil konting-konti na lang ay baka mapagkamalan na silang mag-ina ni Madame Auring.

Ganern.

Read more...