PAWANG katotohanan ang sinabi ng customs broker na si Mark Taguba sa committee on ways and means ng Kamara, ayon sa aking espiya sa Bureau of Customs.
Isiniwalat ni Taguba ang lahat ng kanyang mga binibigyan ng “tara” o lagay, kasama na ang isa sa staff sa Office of the Commissioner.
Siyempre di naman lantarang tatanggap ng tara si Commissioner Nicanor Faeldon kaya’t pinadadaan niya ito sa isa sa kanyang tauhan.
Malaking tara araw-araw– mga P270 milyon — ang binibigay bawat container na lumalabas sa customs na walang inspection.
“Boss, ganyan talaga ang kalakaran sa customs noon pa man,” sabi ng aking espiya na isang kagawad ng customs bureau.
Pero si Faeldon at ang kanyang mga kasamahan sa Oakwood Mutiny, aniya, ang nakapagdagdag sa corruption sa bureau.
Sina Faeldon at ang mga ex-mutineers ay itinalaga ni Pangulong Digong sa customs sa pag-aakala niya na sila ang babantay sa katiwalian sa bureau.
Ang mga Oakwood mutineers ay nagrebelde sa kanilang mga nakakataas sa kanila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) noong July 27, 2003 dahil, anila, ay laganap na corruption sa military establishment.
Sinabi ng aking espiya na si Faeldon at ang kanyang kasamahan sa Oakwood mutiny ay “gutom na gutom” kaya’t sila’y mga “sugapa.”
“Matagal din kasing nagtago o nakulong dahil sa mutiny kaya siguro gutom na gutom sila at naging sugapa,” dagdag pa ng aking espiya.
“Lahat sila sobra kung mangurakot,” sabi niya.
Sabihin na natin na nagsa-sourgraping ang aking espiya dahil nabawasan ang kanyang kita noong dumating sina Faeldon, pero binigyan niya tayo ng insider information na walang outsider na makapagbigay.
Paano nga ba nalaman ng US federal government ang nangyayari sa loob ng kinakatakutang grupo ng Mafia kundi sa mga dating kasamahan na nag-squeal.
Kaya’t dapat nating paniwalaan si Taguba at ang aking espiya dahil kasama sila sa sistema.
***
Umapela si Comelec Chairman Andy Bautista sa kanyang asawa na si Patricia na tigilan na ang “media circus” dahil apektado ang kanilang mga anak sa iskandalo sa kanilang pamilya.
Naging publiko ang away nina Andy at Patricia Bautista matapos isiniwalat ng huli ang mga tagong kayamanan ng Comelec chief.
Kawawa naman ang mga bata.
In any conflict, the innocent always suffer or get shot in the crossfire.
Bilang ama, naiintindihan ko ang nararamdaman ni Bautista sa kanyang mga anak.
Pero kung hindi pa nag-away ang mag-asawa malalaman kaya ng publiko ang malalaking depo-sito na pera sa bangko ni Bautista at iba’t iba pa niyang ari-arian?
***
Pinuri ng aking column sa Inquirer si Bautista nang, bilang chairman ng Presidential Commission
on Good Government, inimungkahi niya na lansagin na ang ahensiya.
Sinabi ko na honest o malinis si Bautista dahil ang ibang mga nakaraang PCGG chairman at ibang opisyal ay nagpakasasa sa mga perks and privileges ng kani-kanilang posisyon at siyempre ayaw nilang malansag ang PCGG.
Iba si Bautista, sabi ko sa aking column sa Inquirer noon.
Pakitang-tao lang pala siya. Kasing-dumi rin siya ng iba.
Paano nakakuha ng P1 bilyon si Bautista bilang isang public official kung hindi siya nangurakot?