James Reid bibida sa bagong version ng ‘Pedro Penduko’

Tuloy na pala ang bagong version ng Pinoy superhero movie na “Pedro Penduko”. Balitang bibida nga rito ang boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.
Kinumpirma nga raw ito ng binata sa ginanap na HISTORY Con 2017 kamakailan, sa produksyon ng Viva Films at Epik Studios. Magsisimulang gumiling ang mga kamera para sa “Pedro Penduko” sa pagpasok ng 2018.
Siyempre, super excited na si James sa nasabing proyekto dahil first time niyang gaganap na superhero. Hindi nabanggit ng aktor kung makakasama rin si Nadine sa movie. Hati naman ang reaksyon ng netizens sa pagbibida ni James sa nasabing proyekto, may aprubado rito pero marami rin ang nagreklamo dahil hindi naman daw purong Pinoy ang binata.
Naunang ginampanan ni Janno Gibbs ang karakter ni Pedro Penduko sa movie na sinundan naman ni Matt Evans sa TV version nito.

Read more...