Metro Manila, Regions 3 at 4 nilindol

NIYANIG ng magnitude 6.3 lindol ang Batangas kahapon at apektado nito ang National Capital Region, Region 3 at 4.

Nagbabala rin ng mga aftershock ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa lindol na naramdaman ala-1:28 ng hapon.

Ang sentro ng lindol ay 16 kilometro sa kanluran ng Nasugbu, Batangas. May lalim itong 160 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Naramdaman ang Intensity IV sa Calapan sa Mindoro; Subic sa Zambales; Rosario Cavite; Manila City; at Sablayan Occidental Mindoro.

Intensity III naman ang naramdaman sa Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos sa Bulacan; Cainta sa Rizal; at Calamba sa Laguna.

Intensity II naman sa Magalang, Pampanga; Tanauan City sa Batangas. At Intensity I sa Talisay sa Batangas.

Read more...