Empoy, Alex malaki ang bonus sa ‘Kita Kita’ | Bandera

Empoy, Alex malaki ang bonus sa ‘Kita Kita’

Reggee Bonoan |August 11,2017
facebook
share this

Empoy, Alex malaki ang bonus sa ‘Kita Kita’

Reggee Bonoan - August 11, 2017 - 12:20 AM

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

SA nakaraang guesting nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi sa Tonight With Boy Abunda ay nabanggit ng aktres na sana’y mapanood ng kanyang mama at mga kapatid ang “Kita Kita” na pinipilahan pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan.

Gusto raw kasing i-share ni Alex ang kanyang nararamdamang kaligayahan sa pamilya. Sabi ng aktres, “Sana maibili ko ng tickets ang pamilya ko para mapanood nila.”

At dahil malaki naman ang ibinigay na bonus sa kanila ni Empoy sa kinita ng “Kita Kita” ay puwedeng-puwede na itong ipambili ni Alessandra ng airfaire ng pamilya na nasa Italy para makauwi sa Pinas.

Pero ayon sa handler ng aktres na si Mac Merla ay ise-save raw ito ni Alessandra dahil, “Wala naman sa plano na umuwi ang parents niya kasi kakauwi lang ng mommy niya late last year (2016).”

Oo nga naman, mas magandang ipunin na lang ng aktres ang kanyang bonus para sa kanyang kinabukasan.

Maaari rin niyang gamitin ang pera sa pagpo-produce ng pelikulang siya rin ang magdidirek na mala-“Sex In The City ang konsepto na matagal na raw niyang nasulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending