Sugatan din ang isang kawal, habang narekober ng iba pang sundalo ang labi ng mga napatay na bandido at pitong mataas na kalibreng baril, sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces Joint Task Force Sulu.
Nagsasagawa ng operasyon ang mga kawal laban sa mga bandidong may hawak na kidnap victims, nang makasagupa ang aabot sa 30 armado sa Sitio Langhub, Brgy. Pang, dakong alas-4, ani Sobejana.
“This is part of our sustained and focused military operations to rescue the remaining kidnap victims, kasi may unvalidated threat na pupugutan daw nila [ang kidnap victims],” aniya.
Hawak pa ng Abu Sayyaf sa Sulu ang 23 kidnap victim, na kinabibilangan ng 15 banyaga.
Ang iba pang bihag ay pawang mga Pilipino, kung saan kabilang ang apat na construction worker na dinukot sa Sulu ilang linggo pa lang ang nakaraan.
“Every time na mag-demand kasi sila (Abu Sayyaf) ng ransom, they always threaten their victims na pupugutan pagka hindi nagbigay,” ani Sobejana.
Di pa mabatid kung sino sa mga kidnap victim ang dinala ng mga bandido sa pinangyarihan ng engkuwentro.
Tumagal nang 30 minuto ang palitan ng putok, bago umatras ang mga bandido, ani Sobejana.
Naiwan ng mga umatras na bandido ang limang patay na kasamahan, isang Barrett sniper rifle, dalawang M16 rifle, isang M14 rifle, Garand rifle, KG-9 sub-machine gun, at isang shotgun, aniya.
Patuloy na tinutugis ng mga kawal ang Abu Sayyaf para mabawi ang mga bihag, ani Sobejana.
MOST READ
LATEST STORIES