Korean actor ‘di maganda ang unang impresyon kay Heart

COLD ang unang impression ng Korean actor na si David Kim a.k.a. Kim Jungwook nang ma-meet ni Heart Evangelista. Kasama si David sa GMA series na My Korean Jagiya na kinunan ang ilang bahagi sa South Korea.

Naramdaman ni Kim yon nu’ng simula kahit nag-shooting na sila at magkasama sa pictures.

Pero habang tumatagal, nawalis ang impresyon na yon ni David dahil naramdaman na niya ang warmhearted na ugali ni Heart at naging maayos na ang samahan nila, lalo na sa trabaho.

Huling napanood si David sa Koreanovelang Iris 2 at The King Is In Love.

Read more...