Magkapatid na personalidad ang titigas ng puso, dedma sa ama

TANONG ng mga miron sa isang umpukan, paano raw kaya magiging mabait ang kapalaran para sa mga taong sobrang tigas ng kalooban, reregaluhan daw kaya sila ng magagandang oportunidad kapag ganu’n sila?

Ibig sabihi’y hindi lang isang tao ang tinutukoy ng magkakaumpukan, sobra sa isa ang bida sa kuwento, sobrang tigas kuno ng puso ng dalawang personalidad na ito.

Kuwento ng aming source, “Di ba, mga bagets pa sila, e, nagkahiwalay na ang parents nila? Naiwan sila sa mommy nila nu’ng humiwalay ang father nila. Mula nu’n, nagkaroon na sila ng gap ng tatay nila.

“Nakakalungkot nga dahil kahit nagkikita sila sa matataong lugar, e, hindi man lang nila pinapansin ang father nila. Ano ‘yun? Para ano pa at naging anak lang sila?

“Kahit pa gaano kalaki ang naging kasalanan ng father nila sa mommy nila, dapat, e, hindi sila nakikisali sa problema. Dapat, may respeto pa rin sila sa ama nila.

“Bakit, magiging tao ba sila kundi dahil sa father nila? Mabubuo ba sila ng nanay lang nila at walang partner?” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Tuloy ay apektado ang kanilang career. Maraming pagkakataon na dapat ay ang magkapatid ang bibida na tatay nila ang kasama sa proyekto, pero hindi natutuloy, dahil nga sa kanilang problema.

Patuloy ng aming source, “In fairness, ‘yung isa sa magkapatid, e, mas malambot ang puso. Konting panahon na lang at okey na siya. Pero ‘yung isa, sobrang tigas ng puso ng lalaking ‘yun!

“Kung narerespeto niya ang ibang tao, bakit hindi niya makayang respetuhin ang tatay niya? Kahit sa utang na loob na lang, dapat, e, nagpapakumbaba na siya.

“Hindi naman mabubuhay forever ang tatay niya, kaya bakit hindi pa siya makipagkasundo? Ang mga bagets talaga ngayon, para namang napaka-perfect nila!” kuwento pa ng aming source.

Sige nga, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Baustista-Silverio, tingnan nga natin kung hindi kayo mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Getlak n’yo na kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito?

Read more...