DEDMA lang si Gerald Anderson sa mga bashers ng loveteam nila ni Kim Chiu na humahataw ngayon sa pinag-uusapang daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN.
Ayon sa hunk actor, mas binibigyan nila ng atensyon at importansya ang kanilang loyal supporters na mula noon hanggang ngayon ay patuloy n nagmamahal sa kanila ni Kim.
“Kaya ginagawa namin itong teleserye na ito ay para sa mga followers namin na ever since nandu’n. Tungkol sa mga hindi masaya para sa reunion project namin ni Kim, wala, e, it’s part of life. No matter what someone does, everybody has haters and naysayers na kokontra.
“Wala tayong magagawa diyan, just focus on people you make happy,” ani Gerald sa panayam ng ABS-CBN.
In fairness, patuloy pa ring humahataw sa ratings game ang Ikaw Lang Ang Iibigin at mas magiging kapana-panabik pa ang mga susunod na episode ng programa ngayong isa-isa nang bumabandera ang mga lihim ng bawat karakter sa kuwento.