Arellano taob sa EAC

Mga Laro Bukas (EAC Gym)

2 p.m. EAC vs Lyceum (jrs)

4 p.m. EAC vs Lyceum (srs)
Team Standings: Lyceum (6-0); San Beda (5-1); EAC (3-2); Letran (3-3); Perpetual Help (2-3); JRU (2-3); San Sebastian (2-3); Arellano (2-4); St. Benilde (2-4); Mapua (1-5)
SINANDALAN ng Emilio Aguinaldo College si Sydney Onwubere para mabigo ang Arellano University, 85-79, kahapon at makuha ang solong ikatlong puwesto sa team standings ng 93rd NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Arena, San Juan City.
Si Onwubere ay gumawa ng team-high 17 puntos kabilang ang apat na tres bukod pa sa paghugot ng 14 rebounds, tatlong assists at tatlong blocks.
Nag-ambag naman ng 13 puntos si Jerome Garcia, kabilang ang 10 sa third quarter kung kailan lumamang ang Generals ng 67-59 mula sa tablang iskor na 43-all.
Si Kent Salgado naman ay umiskor ng 24 puntos para sa Chiefs na nagtamo ng ikatlong sunod na kabiguan at nahulog sa 2-4 kartada.
Sa ikalawang seniors game kahapon, binigo ng College of St. Benilde ang naghihingalong Mapua, 74-69, para sa ikalawang panalo sa anim na laro.

Read more...