Marami ang nang-iintriga sa pelikulang “Four Sisters And A Wedding” dahil sa sinabi raw ni Enchong Dee na crush na crush nito si Angel Locsin. He finds her daw very sexy at kahit noong bagong lipat pa lang daw ito sa Dos ay talagang may tama na siya sa aktres.
“Nakakatawa naman si Enchong. Obvious namang hindi niya type mag-girlfriend pero gusto lang magpaka-macho kaya niya sinasabing crush niya si Angel. Ano ba ang gusto nilang slant kay Enchong? Na lalaking-lalaki samantalang laman ng mga blind items. Ha-hahaha!
Sana ibenta na lang nila ang mga kababaihan sa movie as babae talaga pero huwag nang pilit na gawing lalaking-lalaki si Enchong. Awkward tingnan. Iyon ay opinyon ko lang. Huwag nilang masamain,” ang malditang statement ng isang kapitbahay naming badingding.
Ayokong mag-cmment further kasi nga love ko rin naman itong si Enchong. Nang mabasa ko ang sinabi ni Enchong na crush niya si Angel, aaminin kong hindi ako naniwala agad dahil parang hindi naman. Akala ko joke, perototoo palang sinabi ni Enchong iyon.
Hayaan n’yo na, after all, maganda naman ang movie at mukhang masaya na di dapat palagpasin ng manonood. Huwag n’yo nang paglaruan si Enchong, baka nga naman crush niya talaga si Angel. Malay natin.
“Nagbago na siya? Ano ‘to, joke?” pahabol ng kausap namin. Hay naku, ayoko na siyang i-entertain. Kung anu-ano ang pinagsasasabi kay Enchong kasi. Baka awayin ko lang ang hitad na ito. Pero wait lang, napaisip tuloy ako. Ha-hahaha! Bakit? May ebidensiya ba siya? Whew!
Mahirap din talaga kapag artista ka. Kahit anong gawin mo, ke tama o mali ay meron pa ring masasabi ang mga tao sa iyo. Lalo na ang mga detractors nila, hindi sila nakakaligtas. Tulad nga nitong si Enchong, pilit nilang ikinakabit sa kung anu-anong kabadingan na isyu kasi kaya yung simpleng sinabi lang nitong crush niya si Angel ay pinagtaasan agad nila ng kilay.
Parang wala nang karapatang magka-crush sa babae si Enchong.Eh, kung ako ngang baklang-bakla ay hayagan ang pagsasabi palagi na if there are women na willing akong pakasalan dahil I find them very beautiful ay walang iba kundi sina Ms. Gloria Diaz and Sophia Loren lang.
Kita n’yo naman ang leveling, isang Miss Universe and isang Italian super-actress. Ha-hahaha! Alam ko namang malabong mangyari ito, worse than impossible! Ha-hahaha! Basta may masabi lang ako. Masama ba naman iyon? Kaya please – tama na!!!