SC pinayagan ang curfew sa Quezon City, ngunit hindi sa Maynila, Navotas

PINAYAGAN ng Korte Suprema ang curfew para sa mga menor-de-edad sa Quezon City.

Sa naging deliberasyon, pinaboran naman ng Kataastaasang Hukuman ang ilang bahagi ng petisyon na inihain ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK).

Nauna nang inihain ng grupong petisyon na humihiling sa Kataastaasang Hukuman na ideklarang unconstitutional ang mga ordinansa kaugnay ng curfew sa Maynila, Quezon City, at Navotas.

Iginiit ng Korte Suprema na constitutional ang Quezon City Ordinance No. SP 2301, Series of 2014. Layunin ng ordinansa na magpatupad ng curfew sa mga menor-de-edad sa mula ganap na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

“The parent or guardian of the curfew violator will be penalized for allowing the minor to go out during this period, either ‘knowingly or by insufficient control,” sabi ng ordinansa ng Quezon City.

Ibinasura naman ng Korte Suprema ang ordinansa ng Maynila at Navotas hinggil sa pagpapatupad ng curfew.

Read more...