Michael waging Best Male Artist of the Year sa MOR Pinoy Music Awards

SAYANG at hindi ako nakasama sa MOR Pinoy Music Awards last Saturday na ginanap sa KIA Theater because I was supposed to watch Celeste Legaspi’s concert sa The Theater sa Solaire.

Kaya lang, late na akong natapos sa work ko at impossible na ring makahabol ako sa Solaire at lalo na sa KIA dahil mas maaga silang nagsimula. Hindi ko tuloy natunghayan ang pagkapanalo ng alaga kong si Michael Pangilinan as Best Male Artist of the Year for his hit song “Hanggang Kailan” written by Rox Santos and Cynthia Roque.

Sa Facebook ko na lang nakita ang picture ni Michael receiving his trophy at may kodakan with some of his friends sa music industry. Then I got a text message from his production assistant Loloy na nanalo nga ang Sir Michael niya. I texted Michael a congratulatory message and he responded naman.

Siyempre happy ako sa pagkapanalo ng alaga ko though hindi na kasing-init ng excitement ko nu’ng nagsisimula pa lang kami. Marami na kasing nangyari at marami pang malalaking magaganap in the next months. Sinasanay ko na ngayon ang sarili ko na oks-oks lang. Na hindi na masyadong nagpapaka-excited or nagpapaka-stress para pagdating nang tamang panahon ay casual lang na dadaan ang lahat.

You know naman siguro what I mean, let’s not go into details na lang. Basta ako, lahat ng mga alaga ko at naging alaga ko at magiging alaga ko in the future, may nakalaan akong pagmamahal sa mga iyan. But now it must be controlled para mawala man sila sa akin one day, di na ganoon kasakit. Basta kami ni Michael, okay kami ngayon. Pero hanggang December 31, 2017 na lang ang management contract namin.

No hard feelings iyan. Yan ang napagkasunduan namin. Whatever happens one day, this guy will really go places. He has enormous talent to bring him to a much higher level. Basta alagaan lang niya ang career niya when the times comes.

Michael is pretty booked until December. Left and right ang inquiries on him at kapag maayos naman ang usapan tinatanggap ko. I inform him. Kasi nga naman, baka hindi niya feel ang ibang offers, mabuti na yung siya ang magdesisyon, di ba? Ayokong masisi in the end. Unlike when he was new, when they were all new, I mean – speaking for all my artists, basta alam kong makatutulong sa mga karera nila, tinatanggap ko, ke may bayad or gratis. Wala ka namang maririnig sa kanila, kasi nga mga bago pa lang. But now, it’s different na.

May mga sariling plano na iyan sa mga buhay at karera nila. Pangit naman yung tanggap lang ako nang tanggap tapos in the end ay di pala sila masaya. So far, so good. Pero until December na nga lang kami this year. I hope by then, makaalagwa na rin ang dalawa ko pang new singers – sina Kiel Alo and Ezekiel Hontiveros. Kung hindi man this year, for sure, in the next months after 2017, tama? Malay natin, no one knows what the future brings.

Someone asked me, “Kanino lilipat si Michael?” Ang sabi sa akin ni Michael ay magsi-self manage na lang daw muna siya. Well and good, di ba? Hindi ko naman ma-imagine na magpapa-manage siya sa Cornerstone dahil kaaway ko ang manager nila. That would be the end of the world pag nagkataon. Ha! Ha! Ha! Hindi naman siguro gagawin ni Michael sa akin iyon. Pero malay natin, the fact that he is leaving my stable, anything can happen pa rin.

Basta ako, I wish Michael the best in everything as far as his career and life is concerned. Kasi nga, siya ang kauna-unahan kong baby na talagang tsinaga ko from start to wherever he is now. Mabait na bata naman iyan pero just like any artist, may mood swings din. Pero sakay ko na ang utak ng batang iyan. Malambing, thoughtful and generous. But would you believe na hanggang text and calls lang kami lately for more than a month already?

Hindi pa kami nagkikita ulit kasi sobrang busy kami pareho. One day ay magkikita rin kami niyan sa ibang events na natanguan namin. Basta ako, nandito lang ako for all of them. Nanay ako, eh. Ganyan ang mga nanay, magaling sa tiisan.

q q q

Nakakatuwa naman ang alaga kong si Kiel Alo, gusto raw niyang mag-action star. Kaloka, di ba?

Nakatikim lang mag-shooting ng indie film, gusto nang mag-shift from singing to being an action star.

Nu’ng isang araw ay nag-shooting sila nina Token Lizares for an indie movie, he plays the drug addict son of Token. Na-enjoy yata ng bagets ang mga eksena niya kaya ganu’n.

Hoy, Kiel! Mag-concentrate ka sa pagiging singer dahil iyon ang strength mo. Pinagbigyan lang kitang mag-artista in this film dahil di ko lang matanggihan si Token. By the end of the year, baka ma-release na ang first single mo kahit digital lang, wala pa kasi akong dahtung. Ha! Ha! Ha! Tiyaga-tiyaga muna hanggang makaipon, okay?

Read more...