JV pinayagan mag-Japan

Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division si Sen. Joseph Victor Ejercito na bumiyahe sa Tokyo, Japan.
    Si Ejercito ay pinayagang bumiyahe mula Agosto 23 hanggang 26 para sa isang forum kaugnay ng global health.
    Inimbitahan umano siya ng Japan Parliamentary League for the World Health Organization para sa ikatlong pagpupulong ng Asia Pacific Parliamentarian Forum on Global Health.
    Siya ay binigyan na rin ng travel authority ni Senate President Aquilino Pimentel III.
    Kailangang magpaalam ni Ejercito sa korte bago makalabas sa bansa dahil sa technical malversation case na isinampa sa kanya kaugnay ng pagbili ng P2.1 milyong halaga ng mga baril gamit ang Calamity Fund ng siyudad noong 2008. Siya ay mayor ng San Juan noon.

Read more...