MAY masaya, pero mas maraming nalungkot sa kuwentong dahil sa pagiging Spell M (read: matinding pangangailangan) ng isang female personality ay talagang ibinagsak na niya ang kanyang talent fee ngayon, magkatrabaho lang siya.
Napakalayo nga naman nu’n sa dati niyang katayuan sa showbiz. Milyunan ang kanyang talent fee nu’n.
Isa-dalawang kanta lang ay daan-daang libo na ang kinikita niya. Sumalang lang siya nang ilang oras sa TV ay daang libo na rin ang bayad sa kanya.
Sabi ng isang lubos na nakakaalam sa likaw ng bituka ng nasabing female personality, “Siya ang exact example ng kasabihan na walang forever. Walang panghabampanahon. Panahon niya nu’n, pero hindi na ngayon, pana-panahon lang talaga ang popularity.
“Aakalain ba natin na magkakaganyan siya? Bagsak na bagsak ang kabuhayan showcase niya, walang-wala na siya ngayon, kaya look, pati ang TF niya, sobrang bagsak na bagsak na rin!
“Barya-barya na lang ang talent fee niya ngayon samantalang dati, per ora yata ang kuwenta niya sa appearance at performance niya!
“Grabe siyang maningil, wagas na wagas, dahil ginagamit lang daw naman siya ng mga kapitalista! Kailangan daw, e, managana rin siya sa ginagawang panggagamit sa kanya.
“Kasi naman, inuna ang kayabangan. Nagbisyo pa, kaya ayan, ano ang nangyari sa kanya?” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.
Nu’ng kasagsagan ng popularidad ng female personality ay napakarami niyang sinagasaan, sinaktan at minaliit. Feeling niya kasi ay wala nang makatitinag sa kasikatan niya.
“Tama lang namang magkaroon siya ng leksiyon. Saan ka naman makakakita ng taong tinulungan mo na nga, e, uupakan ka pa at idedemanda?
“Ano’ng nangyari sa kanya? Siya ang nabukulan, Bukol Queen siya, dahil biglang bagsak ang career niya! Kung gaano kalakas at kataas ang lipad niya nu’ng in demand na in demand pa siya, e, ganu’n din kalakas ang lagapak niya ngayon!
“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba ng clue para lang matumbok n’yo kung sino ang babaeng itey?
“Sabay-sabay tayo, kantahin natin ang Paper Roses!” pagtatapos ng aming impormante habang nakataas ang kilay sa tenth floor.