Maymay, Jona, Ylona winner sa 2017 MOR Pinoy Music Awards

BIG winner uli si Maymay Entrata sa nakaraang MOR Pinoy Music Awards 2017 na ginanap last Saturday sa Kia Theater. Siya ang nag-uwi ng Best Collaboration trophy para sa kantang “Baliw” kung saan naka-duet niya ang ka-loveteam na si Edward Barber.

“Sobrang blessed naman po, masaya ako kasi isa ito sa naging dahilan kung bakit sumikat ang MayWard. Tapos nabaliw rin po sila sa kantang ‘to kaya sobrang napaka-blessed po dahil nakikita ko silang masaya sa lahat ng na-achieve ko. Kaya hindi ako magsasawang ibabalik ‘yung suporta na binigay nila sa akin,” mensahe ng dalaga.

Si Jona ang nakakuha ng Song of the Year award para sa “Maghihintay Ako” habang si Ylona Garcia naman ang itinanghal ba Female Artist of the Year award.

 

Read more...