DAIANA MENEZES biktima ng karahasan: salamat po LORD at buhay pa rin ako!

MAINIT na pinag-uusapan ang mga post ni Diana Menezes sa Instagram noong Hunyo 10, makikita roon ang larawan ng kanyang nanay na may caption na, “This is what REAL FAMILIES. They leave their own world to save their world (their children) see you mama, thanks for picking me up as if I Lyle child but seriously this case yeah definitely.”

May isang nag-comment ng, “Sana miss @daianamenezes_ kahit anung bad ang naranasan mo dto sa pilipinas hindi magbago ang tingin mo sa lhat ng pilipino, i really admire you since the first time i saw you s eatbulaga kasi hindi ka maarte and most of all you chose to live here and you love filipinos kahit wala kang dugong pilipino. I hope everything will be fine and hope you come back, i will pray for you.”

Noong Hunyo 9 naman ay nagkasunud-sunod ang post ng Brazilian model, tulad nang kinunan niyang  litrato kung saan may naka-drawing na kamay at may nakalagay na “Stop Violence Against Women”. Nag-post siya ng, “Lord please, I can’t take this anymore, I’m all by myself here, prayers are much appreciated. But sa totoo lang THANK YOU PO LORD I’M STILL ALIVE.”

Parehong petsa rin nang kunan niya ang babaeng nakahubad na may nakalagay na, “Real Men Don’t Use Violence.” Maging ang mga kilalang personalidad tulad nina Karen Davila at Ruffa Gutierrez ay nag-post na rin kung anong nangyayari kay Diana.
Sinundan pa ito ng litrato kung saan nasa loob siya ng banyo, makikita roon ang isang kamay (na halatang siya dahil may tattoo ng star) na may mga sugat sanhi raw ng kalmot.

May singsing ding kinunan na may nakalagay na, “No to Violence Against Women” kung saan nag-post si Diana ng, “#NOtoDomesticViolence #NOtoRape. Till death do us apart…?” Samantala, ayon sa aming source ay may malaking problema raw ngayon ang TV host-actress-model, may  kinalaman nga raw ito sa kanyang masalimuot na lovelife.

“Basta may problema raw siya, ayaw sabihin kung ano at tungkol nga sa lovelife niya, actually, may video nga siya na pinost niya sa YouTube, kaso pinatanggal na ng manager niya.  Parang si Mo (Twister) dati na umiiyak at hindi na raw niya kaya, e, ayaw sabihin kung ano,” kuwento ng aming source.

Ang kung totoong tungkol ito sa kanyang buhay pag-ibig ay nakapagtataka dahil noong nakaraang taon lang ay sobrang saya pa ni Diana na in-announce niya sa telebisyon na engaged na siya kay Cagayan de Oro 1st District  Rep. Jose Benjamin Benaldo? Ano na bang nangyari roon?

Anyway, sana linawin ito kaagad ni Diana dahil maraming concerned sa kanya dahil in fairness bossing Ervin ay well-loved naman sa showbiz ang dalaga, di ba? (Oo naman! Kahit Brazilian siya, Pinay na Pinay naman ang kanyang ugali! – Ed)

Read more...