Maine binigyan ng award ng BIR; tinanghal bilang ‘Top Regional Individual Taxpayer’

NAGMAMADALI  nu’ng isang araw si Maine Mendoza matapos ang stint sa Eat Bulaga. ‘Yun pala, isa siya sa bibigyan ng parangal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa post ng fans ni Meng, tumanggap siya ng parangal bilang isa sa Top Regional Individual Taxpayer ng BIR. Personal niyang tinanggap ang karangalang ‘yon.

Tuwang-tuwa naman ang fans niya dahil good example ang Phenomenal Star sa publiko bilang taxpayer.

Kahit kasi ilang taon pa lang siya sa showbiz, naging masunurin siyang taxpayer na nagbayad ng tamang buwis sa kanyang mga kinita mula sa pagho-host, paggawa ng pelikula, teleserye, TV commercials at iba pa.

Bukod kasi sa negosyo niya, malaki rin ang kinita niya mula nang pasukin ang mundo ng showbiz.

Read more...