Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay umabot na sa P250 million ang kinita ng “Kita Kita” dahil nang makausap namin ang isa sa Spring Films producer na si Binibining Joyce Bernal sa huling gabi ng burol ni Tito Alfie Lorenzo ay nabanggit niyang, “Huling sabi sa akin nasa P220 million na kami. Wala pa akong update today (Aug. 2) third week na namin sa mga sinehan, eh.”
Tanong namin sa direktor-producer kung may follow-up movie na sina Alex at Empoy.
“Actually, meron, pero pinag-uusapan pa, binubuo pa kasi siyempre dapat level or higit pa sa ‘Kita Kita’. Ang alam ko si Empoy may sariling movie, ‘yung sila ni Alex, under negotiation pa,” tsika ni Binibining Joyce.
Samantala, nakikiusap naman ang isa rin sa producers ng Spring Films na si Piolo Pascual na tigilan na ang pamimirata.
Nag-post si Piolo sa kanyang Instagram account ng, “Para sa mga kabayan, mas masarap manuod ng pelikula na hindi kailangan makonsyensya dahil pagnanakaw ang tawag sa hindi pagbayad ng tama mahalin ang sariling atin… pakiusap! #ombeoriginal #notopiracy!”
Sinundan pa ito ng isa pang mensahe pagkalipas ng ilang oras, ani Piolo, “It has to stop somehow… and we’re taking the initiatives what a shame to even share the movie on FB. This is who we are and it only speaks the kind of people we become bec of what we do… side note: we’re showing in 200 cinemas nationwide starting tom and our international release will start the soonest… thank you kabayan for the overwhelming demand.”
Hindi rin nagpahuli ang leading lady ng “Kita Kita” na si Alessandra de Rossi na nag-post din sa kanyang @msderossi IG account ng, “Ganyan. Ganyan nga. Gets ko, pero pag mali, mali talaga. Para na rin sa nag-upload ng two less lonely people ko. Burahin na sana lahat dahil hindi pa tapos yan. No to unauthorized sharing of the kyemelatek! Kita kita, kitang kita kita. Lagot u!”
Maging ang CEO ng Cornerstone management at Spring Films producer na si Erickson Raymundo na kasalukuyang nasa San Francisco, USA (sinamahan ang alagang si Inigo Pascual sa commitment nito) ay nag-post din sa kanyang FB account laban sa mga pirata.
“I appreciate your concerns and for sending the links of the pirated copy of our movie. We’ve been reporting them and we will take legal actions.
“May God have mercy on them. Salamat pa din sa mga patuloy na nanunuod sa mga sinehan at hindi sumusuporta sa mga taong pumapatay sa kabuhayan ng mga tao sa aming industriya. Mabuti na lang wala akong kaibigan dito sa FB na nag share or nanonood sa ilegal na pamamaraan. Salamat po.”
Narito naman ang official statement mula sa mga producer ng pelikula: “Spring Films and Viva Films, as producers of the film Kita Kita, are issuing this joint warning to the public that any unauthorized sharing or posting of links to the movie, whether in full or in parts, shall be punished to the full extent of the law.
“Creating, sharing or posting the link to the movie on social media, including Facebook, constitutes copyright infringement and is punishable by imposition of fines and imprisonment.
“These pirates are not only stealing but are also killing the local film industry. We condemn all acts violating the intellectual property to the film and we shall exercise all rights and available remedies to impose civil and criminal liabilities against these pirates. We ask the cooperation of the public to report any unauthorized and illegal link to legal@viva.com.ph.”