Sharon sinisi sa pagkatalo ni Jeremy sa Voice Teens: Siya dapat ang i-coach, sintunado siya!

JEREMY GLINOGA AT SHARON CUNETA

HANGGANG ngayon ay pinagpipistahan pa rin sa social media ang pagpaltos ng Megastar sa duet nila ng kanyang minanok na si Jeremy Glinoga sa The Voice Teens.

Sayang na sayang daw ang bagets na guwapo pa naman, pero nangulelat sa labanan, dahil sa kanyang coach na si Sharon Cuneta.

Bukod sa nangulelat na sa text votes ang bagets ay talagang tinutukan ng kanyang mga bashers ang singer-actress, sintunado raw ang kanyang boses nang mag-duet sila ni Jeremy, siya raw ang dahilan kung bakit nabigo si Jeremy Glinoga sa pangarap nitong mag-champion sa The Voice Teens.

Ang nagkampeon ay ang manok ni Sarah Geronimo, naging aktibo na naman ang mga Popsters nito sa pagboto, kaya maraming komentong lumabas na mahina na ang grupo ni Sharon Cuneta.

Sabi ng isang basher ni Mega, “Ano ba ‘yan? Paulit-ulit naming pinanood ang duet nila ni Jeremy sa You Tube, baka kasi nagkamali lang kami ng dinig kung sino ang sintunado sa kanilang dalawa.

“Talagang si Sharon ang sintunado! Naturingan pa naman siyang coach, pero siya pala ang kailangang i-coach ng manok niya!

“Nakakaloka si Mega, dispalinghado ang boses niya!” madiing komento ng isang basher ng aktres-singer-TV host.

Read more...