Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 2.3 ang Batangas kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:41 ng umaga.
Ang sentro nito ay pitong kilometro sa kanluran ng bayan ng Tingloy. May lalim itong 21 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intensity II paggalaw sa Puerta Galera, Oriental Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending