Mccoy, Elisse magdyowa na raw, sweet na sweet sa Turkey

GALAWANG mag-boyfriend na ang tingin ng McLisse fans kina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Sobrang ka-sweet-an kasi ang nasaksihan nila sa social media accounts ng dalawa when they went to Turkey for a photo shoot para sa isang sosyal na magazine.

We saw some of the pictures and we’re not surprised kung bakit kilig na kilig ang McLisse fans. Palagi kasing magkahawak-kamay ang dalawa kahit saan sila magpunta – be it in a park, in a yacht club, in the street.

“Ayan Pati sa Twitter pumi feed goals c Elisse. Hehehe. tska ung pa flower Ni Mokya sa knya dun sa Turkey ang Sunflower na pinitas dun ni mokya. Sweet naman talaga,” said one fan sa photo ng dalawa at isang sunflower na ibinigay ni McCoy kay Elisse.

Incidentally, isa si Elisse sa “Women to Watch” list ng Mega Magazine.

Read more...