KAHIT pa siguro tawasing isa-isa ngayon ang lahat ng miyembro ng isang organisasyong nagpapatakbo-humahawak sa karera ng mga artista ay walang magtatangkang magmaneho sa karera ng isang female personality.
Sobrang sakit ng mga salitang binitiwan niya sa pinakahuli niyang manager, ikinalungkot nito ang mga pinakawalang salita ng aktres, markado na ang kanyang pangalan ngayon sa grupo.
Kuwento ng aming source, “Di ba, ang madalas nating marinig, e, kabaligtaran ang ugali ng artista sa tunay na buhay kumpara sa role na ginagampanan niya?
“Maraming nagsasabi na ang mga artistang gumaganap ng kontrabida sa pelikula at TV, e, hindi ganu’n sa totoong buhay? Kabaligtaran daw. Ang mga nagkokontrabida kuno ang mabait at hindi ang mga nagbibida.
“Pero bakit ang isang ito, e, napaka-consistent? Kung ano ang papel na ginagampanan niya sa pelikula at mga serye, e, ‘yun din mismo siya sa totoong buhay?
“Nakakaloka siya, ha? Hindi naman sa kanya ang sasakyan, sa production naman ‘yun at ipinagagamit lang sa kanya, pero bakit pa niya ‘yun ipagdadamot?
“Hindi ba siya nahihiya sa mga ginagawa niya? May makikisabay lang sa kanya, e, nagmarakulyo na siya agad, sinumbatan ang manager niya at inutusang tumawag sa production para sabihan ang staff na ayaw niyang bumibiyahe nang may kasabay!
“At ano pa ang sabi niya sa manager niya? Sayang daw naman ang kinukuhang commission sa kanya kung hindi gagawin nu’ng tao ang trabaho niya!
“Soooo kapal! Veteran actress pa naman ang nakikisabay sa kanya. Sa age na lang nu’ng tao, e, nahiya na sana siya sa mukha niya, di ba? Gusto niyang solohin ang van, kakalug-kalog siya, pero ayaw niyang magpasabay?
“Naku, ang babaeng ‘yun talaga, nakakaloka ang ugali niya, plakado sa mga roles na ginagampanan niya! Matamis pa naman ang prutas na kapangalan niya, pero maasim ang ugali niya!” pagtatapos ng monologue ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday at sa ating birthday girl na si Ching Bautista-Silverio, napakadaling hulaan kung sino ang babaitang ito. Kayo ang original, siya naman ang second rate at copycat, ‘yun na!