Aljur pasok na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano, winelkam ni Coco

PASOK agad ang dating Kapuso hunk na si Aljur Abrenica sa number one primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Mismong ang Teleserye King na si Coco Martin ang nag-announce nito sa kan yang official Instagram account. Ipinost niya ang litrato ni Aljur na nakahubad habang nakasakay sa kabayo na may caption na: “Siya si Miguel. Abangan si @ajabrenica sa FPJ’s Ang Probinsyano! Malapit na! #FPJAP100!”

Marami sa followers ni Aljur ang nagulat sa biglang paglipat niya sa ABS, pero happy daw sila na mapapanood nila uli ang aktor sa TV. Maswerte raw ang aktor dahil pinagkatiwalaan siya agad ni Coco at ng Dreamscape Entertainment.

Read more...