Vitangcol naghain ng not guilty plea | Bandera

Vitangcol naghain ng not guilty plea

Leifbilly Begas - August 02, 2017 - 03:42 PM
Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan Sixth Division si dating Metro Rail Transit Line 3 general manager Al Vitangcol III sa dalawang kaso ng graft kaugnay ng anomalya umano kontrata sa tren.     Si Vitangcol ay inakusahan na nagtangkang mangikil ng $30 milyon sa Inekon, isang Czech company kaugnay ng pagsusuplay ng dagdag na bagon at maintenance ng MRT 3 noong 2012.     Ang kaso ay nag-ugat sa alegasyon ni Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar. Ang hinihinging pera ay kapalit umano ng P3.7 bilyong kontrata.     Si Vitangcol ay inakusahan din na pumilit umano sa Inekon na pumirma sa joint venture agreement sa Philippine Trans Rail Management and Services Corp.     Inalis si Vitangcol noong Agosto 2014 matapos na ibigay ng MRT ang maintenance contract sa PhilTrams kung saan incorporator ang tiyuhin ng kanyang misis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending