McLisse nagpakaligaya sa Turkey, muling pinakilig ang mga fans

 

MULING pinakilig ng magka-loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kanilang mga fans nang mag-post ang dalawa sa kanilang Instagram account ng mga litrato na kuha sa Turkey para sa isang glossy magazine.

Sa IG account ni Elisse makikita ang mga sweet photos nila ni Mccoy sa Pigeon Valley, Cappadocia, Nevsehir at Bosphorus kung saan ang isa rito ay nilagyan pa niya ng caption na: “Everyday’s an adventure with you. #MakingMegaTurkeyWithMclisse!”

May isa pang picture ang magka-loveteam kung saan kasama nila ang mga taong kasama nila sa nasabing photo shoot na may caption na: “The end of the trip. Bye for now Team Turkey! Gusto ko lang po mag thank you sa MEGA family for flying us to Turkey and making us a part of the Making Mega experience. More than the highlight reel, one thing I won’t forget is the relationship made within the team. Sobrang gaan lang ng araw araw na work and fun kasama kayo. Thank you team Turkey!”

Kamakailan ay nag-celebrate ng kanilang 1st anniversary ang McLisse bilang magka-loveteam na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at loyal supporters.

 

Read more...