Maymay sa tatay ni Edward: Ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang ama!

HALOS maiyak si Maymay Entrata nang magpasalamat sa tatay ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

Parang tunay na ama na rin daw kasi ang turing ng dalaga sa father ni Edward na si Kevin Barber. Sa panayam ng Magandang Buhay kay Maymay sinabi nitong grabe rin ang suporta at pagmamalasakit nito sa kanya.

“Masasabi ko po ay sobrang thankful ako, dahil ‘yung Barber family ay sobrang naging parte na po ng buhay ko. Lalo na si Tito Kevin, na siya ‘yung tumayong parang tatay sa akin. Akala ko nga po wala na akong tatay, pero nandiyan si Tito Kevin para ipa-feel niya sa akin na, nandito pa rin, may tatay ka pa rin,” pahayag ni Maymay.

Inamin noon ng dalaga na may sama siya ng loob sa kanyang tunay na ama dahil iniwan sila ng kanyang nanay kaya talagang blessing daw ang pagdating ni Edward sa kanyang buhay, “At saka ang sweet nila. Ang pamilya nila ay nakaka-inspire kasi napakalaki ng puso nila.”

Ayon naman kay Daddy Kevin, “I love the fact that she was there for (Edward) from the very beginning til the end. Maymay was always there. She’s sweet.”

Narito naman ang naging mensahe ni Edward kay Maymay, “I would not be able to continue in showbiz because it’s hard if you weren’t always supporting me. From the start of PBB until now you’ve been there. Thank you so much for always being there and having my back. My mom, my dad and my sister can’t always be there and I’m thankful that you are, so thank you.”

 

Read more...