5-0 na ang Lyceum

Mga Laro Bukas
(Letran Gym)
2 p.m. Letran vs
St. Benilde (jrs)
4 p.m. Letran vs
St. Benilde (srs)

Team Standings: Lyceum (5-0); San Beda (4-1); EAC (2-2); JRU (2-2); UPHSD (2-2); Letran (2-3); Arellano (2-3); San Sebastian (1-3); Mapua (1-3); St. Benilde (1-3)

NAITALA ng Lyceum of the Philippines University ang pinakamahaba nitong winning streak sa liga sa pagbigo sa College of St. Benilde, 98-55, kahapon sa pagpapatuloy ng 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.
Nanatiling walang bahid ang Lyceum at nangunguna sa liga sa kartadang 5-0.

Pagtuntong pa lamang sa ikalawang yugto ay alam na ang magiging resulta ng laban matapos malamangan ng Pirates ang Blazers, 31-10, sa second quarter at 47-21 sa pagtatapos ng unang hati ng labanan.

Umabot pa sa 46 puntos, 91-45, ang kalamangan ng Lyceum sa laro.
Sa tindi ng depensa ng Pirates ay nagkamit ng 40 turnovers ang Blazers na nagbigay naman ng 46 puntos sa Lyceum.
Nagkamit mula sa basket ni CJ Perez na may tatlong minute pa ang natitira sa laban.
Sa ikalawang laro, pinangunahan ni Rey Nambatac, na gumawa ng 15 puntos, ang Letran Knights sa 82-75 panalo nito kontra Arellano University Chiefs.
Tinalo naman ng Perpetual Help ang San Sebastian, 68-65, para umangat sa 2-2 kartada. —Angelito Oredo

Photo:  INQUIRER.net

Read more...