Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Kia vs. Ginebra
7 p.m. TNT vs. SMB
Team Standings: NLEX (4-0); Meralco (3-0); Star (2-0); SMB (1-0); TNT (1-0); Phoenix (2-2); Ginebra (1-1); GlobalPort (1-2); Rain or Shine (1-2); Blackwater (0-3); Alaska (0-3); Kia (0-3)
PAREHONG nanalo sa kanilang unang laro sa 2017 PBA Governors’ Cup, muling magkakasubukan ngayon ang San Miguel Beer at TNT KaTropa na nagsagupa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup noong isang buwan.
Tinalo ng Beermen ang KaTropa para sa kampeonato ng nakalipas na torneyo at puntirya nila ngayon na muling manaig sa Governors Cup para makapagtala ng ikalawa nitong Grand Slam sa liga.
Maghaharap muna dakong alas-4:15 ng hapon ang Barangay Ginebra at ang isa sa tatlong koponang wala pang panalo sa torneyo na Kia Picanto bago a ng paghaharap ng TNT at San Miguel Beer ganap na alas-7 ng gabi.
Tinambakan ng San Miguel Beer ang Blackwater noong Sabado, 118-93, para sa una nitong panalo.
Mangunguna para sa Beerman ngayon ang balik-import nitong si Wendel McKines.
“I feel like I’m jelling pretty good,” sabi ni McKines. “I’ve been here for over two months now, so I think that was a wise decision by both of us by bringing me here and watching their journey to the championship. I’m jelling well.”
Gayunman, inaasahang mapapasabak siya sa KaTropa na nais makaresbak mula sa 2-4 kabiguan sa Commissioner’s Cup Finals.
“Nice to play SMB right away. They played an excellent game vs. Blackwater,” sabi ni TNT coach Nash Racela. “Good way to gauge where we’re at this points of the conference.”
Bukod kay McKines, sasandal din si San Miguel Beer coach Leo Austria kina JuneMar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross. —Angelito Oredo