Heart binigyan ng b-day party ang ka-loveteam na Korean

MEMORABLE ang 29th birthday ng Korean actor na si Alexander Lee dahil binigyan siya ng party ng leading lady niyang si Heart Evangelista sa GMA series na My Korean Jagiya last Saturday.

Ginanap ang selebrasyon sa mansyon ni Heart at kasama niyang umistima sa K-actor at guests ang husband niyang si Sen. Chiz Escudero.

Naglabasan ang photos sa social media accounts ni Lee at kaibigang si David Kim.

Present sa party si Michelle Oh na bahagi rin ng MKJ. Dumalo rin ang co-stars nilang sina Janice de Belen at Ricky Davao.

Sa simula, shy pa si Janice nang makaharap si Alexander subalit kalaunan ay tsika-tsika na rin sila.

Kilalang K-drama addict din kasi si Janice kaya excited siyang makatrabaho si Alexander.

Binigyan ni Janice ng dried mangoes ang Koreano habang isang T-shirt naman ang bigay ni Ricky.

Read more...