Coco binigyan ng bonggang b-day party si Susan


Bonggang birthday party ang ibinigay ni Coco Martin kay Ms. Susan Roces.

Complete ang members ng production ng FPJ’s Ang Probinsyano sa party at ka-join din ang ilang artista.

Siyempre pa’y naroroon si Deo Endrinal ng Dreamscape TV at maging si Ms. Cory Vidanes ng ABS-CBN.
Nakita namin ang mga post ni Eric John Salut sa Facebook at kitang-kita ang pagmamahal ni Coco kay Ms. Susan.

“Thank you, @mr.cocomartin, ABS-CBN, @dreamscapeph for honoring my mom, for taking care of her, for making her busy. Last night in #HBDTitaSusan,” message ni Sen. Grace Poe.

Read more...