Duterte government suportado ni Dingdong, pero iwas muna sa politika

 

SA kabila ng pagka-busy sa taping ng Alyas Robin Hood Book 2 at mga charity events ng YESPinoy Foundation, hands-on dad pa rin si Dingdong Dantes kay Baby Zia.

May agreement na rin daw sila ng kanyang misis na si Marian Rivera sa pag-aalaga sa kanilang panganay ngayong nagsimula na ring mag-taping ang Kapuso Primetime Queen sa bago niyang fantaserye, ang Super Ma’m.

“Siyempre dapat quality time pa rin lalo na ngayong nag-start na rin si Marian mag-training at mag-taping, so sa akin siya naiiwan, dalawa lang kami,” kuwento ni Dingdong nang makachika namin sa set ng Alyas Robin Hood kamakailan kasama ang ilan pang tabloid entertainment editor.

Anong usual na ginagawa nila ni Zia? “Naglalaro kami, lutu-lutuan. Magluluto daw siya ng nilaga. Medyo ano na siya, nagagaya na niya yung mga sinasabi namin, mga naririnig niya.”

Ano yung mga sinasabi ng bagets? “Well, let’s play ganu’n. Medyo yung mga words nadudugtong-dugtong na niya. Dati paisa-isa, then next week dalawa na. Mabilis siya (matuto).”

Napag-usapan din ang tungkol sa mga charity works na ginagawa ngayon ni Dong lalo na sa mga proyekto ng YesPinoy Foundation at ang pakikipagtulungan niya sa SMILE Cares Foundation nina Shaina Magdayao. Dito natanong namin sa kanya kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing nagpe-prepare na rin siya sa darating na 2019 elections.

“Alam mo, para sa akin kasi yung acting is also a form of public service, e. What I am doing is already a public service. You can do piece on advocacies. As long as effective naman yung ginagawa mo I will continue to do it. With or without politics,” tugon ng Kapuso Primetime King.

Pero tingin ba niya may chance na karirin din niya ang politics? “No specific plan. Gaya ng dati wala akong specific plan. Ang mahalaga sa akin tuloy-tuloy ko lang yung ginagawa ko kasi mula noon eto na yung buhay ko eh. Kilalang-kilala nyo na ko, eh. Ipagpapatuloy ko muna itong pagpapasaya sa mga tao dahil ito yung trabaho ko, ito yung passion ko.”

Kung sakaling bigyan ka ni Pangulong Rodrigo Duterte ng position sa goverment tatanggapin mo ba? “Alam mo hindi naman sa tatanggapin o hindi, situational, now is, I am in fact partners with people from different organizations, may mga projects kami na maraming magbe-benefit.

“In a way I am in constant communication and collaboration with officials. So tumutulong ako and naniniwala ako sa private and government partnership. May project kami with YESPinoy, with National Youth Commission. Lahat yan tuloy tuloy so kahit wala ako umaandar pa din sila,” paliwanag pa ni Dong.

Samantala, ayon naman sa direktor ng Alyas Robin Hood Book 2 na si Dominic Zapata triple ang magaganap na pag-level up ng action serye sa pagbabalik nito sa GMA Telebabad. Gagawin daw nila ang lahat para makasabay sa mga Hollywood action series at digital media gaya ng Game Of Thrones.

In fact, noong dumalaw kami sa third taping day nila kamakailan somewhere in Antipolo, may 250 katao ang kasama sa isang pasabog na eksena na mapapanood agad sa pilot week.

Bukod dito, pinaplano na rin daw ng production ang pagte-taping sa ilang bahagi ng Africa at Morocco.

Read more...