‘Probinsyano’ muling kinilala ang kabayanihan ng SAF 44

PARANG lastikong nahihila-nababanat ang takbo ng kuwento ng Ang Probinsiyano. Hindi nagpapaiwan sa panahon ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin.

At hindi rin tinitipid ng production ang serye, kung ano ang kailangang mapanood ng mga kababayan natin, ‘yun ang kanilang ibinibigay.

‘Yung maaksiyong eksena nu’ng nakaraang Huwebes nang gabi nang sumugod ang tropa ng mga militar sa kuta ng kanilang mga kalaban ay hindi simpleng gawin.

Napakaganda ng eksekusyon ng mga eksena. Ipinlakado ng Ang Probinsyano ang mga tagpo sa kung ano ang nangyari sa mga nalagas nating kasundaluhan, ang SAF 44, na hanggang ngayo’y buhay na buhay pa sa alaala ng ating mga kababayan.

Ang pagkamatay ng mga nakikipaglabang militar, ang emosyon ng kani-kanilang mga pamilya habang sila’y nakikipaglaban, nasambot ‘yun ng serye na nananatiling numero uno sa labanan sa rating.

Siguradong nakikipagtulungan si Coco Martin sa madudugong eksena, lalo na sa pagsasalit ng drama sa maaaksiyong eksena, nakakapanghinayang magpunta sa CR kapag ang serye na ang tinututukan mo dahil merong makalampas sa iyong paningin.

Read more...