“MOCK taping ‘yun, hindi pa final, kasi ipi-present pa ‘yun sa Warner Bros at sila ang namili kung sino ang dapat na maging host sa Little Big Shots.”
Ito ang paliwanag sa amin ng executive ng ABS-CBN tungkol sa balitang mas pinaboran ng management si Billy Crawford kaysa kay Ogie Alcasid bilang host sa local version ng kilalang talent show sa Amerika.
Alam naman daw ni Ogie na mock taping ang ginawa niya para sa Little Big Shots at tulad nga ng sinabi niya sa panayam, walang isyu sa kanya kung si Billy ang napili para sa nasabing proyekto.
“Hindi naman ang ABS-CBN management ang magde-decide kung sino ang dapat host ng show, siyempre ang franchise owner, ang Warner Bros.
“Ang explanation nila sa amin, pareho nilang nakitaan ng rapport sa bata sina Billy at Ogie, pero may mas napansin ang Warners Bros, parang hindi raw kasi nila kilala ng mga bata si Ogie, kasi nga siguro bago palang siya sa ABS at sa Your Face Sounds Familiar palang naman siya regular na napanood before and some TV guestings.
“Unlike Billy, halos laman siya ng telebisyon like It’s Showtime na napapanood six days a week, tapos nag-host din siya ng Your Face Sounds Familiar.
“In other words, mas maraming exposure si Billy kaysa kay Ogie and big factor iyon for kids. Same kids din naman ‘yung kasama nina Ogie at Billy sa mock taping,” detalyadong paliwanag sa amin.
Ibig sabihin halos lahat ng sumaling bata sa Little Big Shots ay sa Kapamilya network nakatutok at wala ni isa sa kanilang nanonood ng GMA 7 o TV5 na pinanggalingan ni Ogie Alcasid?
“Well, ang kids ang dapat sumagot niyan hindi kami (executives) kasi sila naman ‘yung naka-encounter ni Ogie,” katwiran sa amin na totoo naman.
Tinanong din namin kung mga ilang taon ba ang mga batang kasama sa LBS, “Mayroon kaming 3 years old sa show, meron nga 2 years old, sobrang galing, kaso hindi namin in-accommodate kasi masyadong bata, baka nagdedede pa ‘yun. Ha-hahaha! Actually, we have 3 years old sa show and may 13 years old din kami, malalaki ‘yung ibang contestants, nakakagulat mga bata ngayon.”
Hmmmm, napaisip kami. Hindi kaya isa rin sa dahilan kaya hindi napili ng Warner Bros si Ogie Da Pogi ay dahil baka may kinalaman din ito sa height ng TV host-songwriter?
Kasi bossing Ervin, kung matangkad ang bata o same height sila ni Ogie, e, hindi mo na ma-distinguish kung sino ang contestant at host, tama ba?
Unlike si Steve Harvey na 6’5 ang height. Yes, ganu’n po siya katangkad.
Anyway, kinausap namin ang executive ng ABS-CBN para malaman ang katotohanan sa isyung tinanggihan ng ABS-CBN si Ogie bilang host ng Little Big Shots dahil mas paborito si Billy ng mga bossing ng network.
Tinanong din namin ang nabalitang kasama sa kontrata ni Ogie ang nasabing programa pero bakit hindi ito ibinigay sa kanya, “As far as I know, hindi totoo,” kaswal na sagot sa amin.
Hayan, klaro na siguro ang mga isyung kumakalat ngayon tungkol sa Little Big Shots na malapit nang mapanood.