Signal No. 2 itinaas sa  Batanes dahil sa bagyong Gorio

ITINAAS ang signal number 2 sa Batanes dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Gorio, ayon sa  state weather bureau.
Samantala, nakataas naman ang signal no. 1 sa  Babuyan Group of Islands.
Namataan si Gorio  300 kilometro silangan ng  Basco, Batanes, at inaasahang magdudulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa loob ng 600 kilometro.
Patuloy namang palalakasin ni Gorio ang habagat, dahilan para magdulot ng katamtaman hanggang malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila at bahagya hanggang katamtamang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon.
Patuloy namang nasa labas ng Philippine area of responsibility (PARA) ang isa pang sama ng panahon na namataan sa bahagi ng West PhilippineSea. Hindi rin ito inaasahang papasok  sa Par.
Inaaasahang lalabas si Gorio sa Par sa Linggo.

Read more...