Lamayan inararo ng truck; buntis, 8 pa sugatan

SIYAM katao, kabilang ang isang buntis, ang nasugatan matapos araruhin ng delivery truck ang isang lamay ng patay kahapon ng umaga sa Makati City.
Posibleng nasa impluwensiya umano ng alak ang driver ng truck na si Ismael Macay, residente ng 5610 Doña Pedro st., Barangay Poblacion, Makati City, dahil sa nagpositibo ito sa “breath analyzer”, ayon sa pulisya.
Kwento ni Macay sa pulisya, iniwasan niya diumano ang isang lalaki na tumatawid sa JP Rizal kung kayat nakabig niya ang manibela at tuluyang mawalan ng preno hanggang sa masagasaan ang grupo na naglalamay sa kanto ng Bernardo st.
Kaagad namang isinugod ng mga nakasaksi sa Ospital ng Makati ang buntis na si Zaira Castro at iba pang biktima na sina Lilibeth de Castro, Sharmaine Carandang, Leny de Castro, Rachel Corra, Tristan del Rosario, Mike Chester del Rosario, Neil Olegario at Mark Angelo Olegario na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Read more...