Susuwertehin na ba sa ikalawang pag-aabrod?

Sulat mula kay Dianne ng San Isidro, Matalom, Leyte
Dear Sir Greenfield,

Dati na akong nakapag-abroad sa Kuwait at nakaipon naman kahit na papaano ng kaunting halaga. Kaya lang dahil ako lang ang inaasahan sa amin at halos walang may trabaho sa mga kapatid ko, wala pang isang taon naubos na ang ipon ko at na isanla ko pa yong lupa at bahay na dating nabili ko. Sa ngayon masasabi ko pong walang-wala na talaga ako, kaya naisipin kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may ikalawang pag-aabroad ba sa aking kapalaran? At kung mayroon kailan kaya ito mangyayari at magiging produktibo naman kaya ang pagaabroad na ito? August 31, 1986.
Umaasa,
Dianne ng Matalom, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang ikalawang mas malinaw at mas malawak na Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung nakapag-abroad ka na dati, dahil dalawa ang guhit ng Travel Line, tiyak ang magaganap sa malapit na hinaharap may ikalawa at mas mabungang pangingibang bansa ang nakalaan sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Diamonds, Nine of Hearts at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking mayaman, sa buwan ng Setyembre sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong 31 pataas, itatala ang ikalawang mas maunlad at mas maligayang pangingibang bansa sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Read more...