Medialdea binastos nga ba?

NAGKASAGUTAN si Executive Secretary Bingbong Medialdea at si BIR Deputy Commissioner for Legal Affairs Clint Aranas tungkol sa hidwaan ng huli sa kanyang boss na si BIR Commissioner Caesar Dulay.

Tinangkang ayusin ni Medialdea ang hidwaan pero pinanindigan ni Aranas na prinsipyo ang kanyang naging alitan nila ni Dulay at hindi personal.

Nagsimula ang alitan ng dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue nang binigyan ng BIR ang Del Monte, isang multinational corporation, ng sweetheart deal.

Pinagbayad lang ng BIR ang Del Monte ng P65 milyon samantalang ang utang nito sa gobyerno ay P8.7 bilyon.

Nagalit si Aranas dahil hindi siya kinonsulta ni Dulay nang binabaan nito ang buwis ng Del Monte.

Si Aranas kasi ang nagpupursige na singilin ang multinational company ng P8.7 bilyong tax delinquency nito.

Noong Lunes, pinagharap diumano ni Medialdea sina Dulay at Aranas, ayon sa aking espiya.

Sinabi ni Aranas kay Medialdea na tinanggap niya ang puwesto sa BIR dahil sa akala niya ay magkakaroon ng pagbabago sa pag-upo ni Pangulong Digong.

“You are making a clown out of me if you insist in having me give up on my principle of helping the President rid the BIR of corrupt officials,” ani Aranas.

Sagot daw ni Medialdea kay Aranas, “It’s up to you if you see yourself as a clown.”

“Bingbong, don’t poke fun of me because I’m serious,” buwelta ni Aranas kay Medialdea, ayon sa aking espiya na naroon.

Imagine, an assistant bureau director talking back to the Executive Secretary like that!

As Executive Secretary, Medialdea is the “little president” or the primus inter pares (first among equals) being the most senior Cabinet member.

Pero nagpilosopo si Bingbong Medialdea kaya’t sinagot siya ng masakit.

Note, dear readers, na hindi tinawag ni Deputy Commissioner Aranas ng “sir” si Secretary Medialdea.

Ibig sabihin, ibinalik kay Medialdea ang kanyang pagiging pilosopo.

By the way, sina Medialdea, Aranas at Dulay ay mga abogado kaya’t kung tutuusin ay pantay-pantay lang sila.

Pero nakakataas pa rin si Medialdea dahil sa kanyang puwesto sa administrasyon ni Digong.

Si Aranas ay isang prominent tax lawyer ng malalaking kliyente bago siya hinimok ng Pangulo na sumama sa kanyang administrasyon.

Si Medialdea ay madikit na kaibigan ni Digong at palaging kasama ng Pangulo noong siya ay mayor pa ng Davao City.

Itong si Dulay ay roommate ni Digong sa YMCA dormitory noong sila’y mga law students pa.

Si Dulay ay nagtapos sa Ateneo de Manila Law School samantalang si Digong ay natapos sa San Beda.

 

***

Nagkampanya ng puspusan itong si Aranas sa kandidatong si Digong sa Visayas at ginamit niya ang kanyang pera at impluwensiya upang makakuha ng malaking boto si Digong sa Negros.

Kaya’t malakas ang loob ni Aranas na sumagot-sagot kay Medialdea ng ganoon na lang.

Hindi natatakot si Aranas, ayon sa aking source, na maalis siya sa BIR kung kakampihan ni Digong ang kanyang dating boardmate na si Dulay.

“I can go back to my practice,” narinig si Aranas na nagsabi sa kanyang mga kaibigan.

***

Mahihirapan si Digong kung sino ang kanyang kakampihan sa dalawa: si Aranas o Dulay.

Ang dati niyang roommate o ang isang abogado na kanyang ginagalang dahil sa angking talino sa pagdepensa ng malalaking kliyente tungkol sa kanilang mga problema sa taxes. Kung ako ang Pangulo ay pipiliin ko na si Aranas na ipinaglalaban ang kanyang prinsipyo at kapakanan ng taumbayan at gobyerno.

To paraphrase President Quezon in his immortal speech before the Philippine Senate during the Commonwealth era, “My loyalty to my friends ends, where my loyalty to my country begins.”

Ang kapakanan ng bayan ang dapat unahin bago ang mga kaibigan.

But I am sure the President will make the right choice between Aranas and Dulay given his campaign against corruption.

Hindi ko sinasabing corrupt si Dulay dahil kailangang mapatunayan ko pa ito, pero bakit niya pinayagang babaan ng napakalaki ang buwis ng Del Monte—from P8.7 billion to P65 million—gayong kailangan ng gobyerno ngayon ang pera.

Kung di niya pinaligtas ang Mighty, isang homegrown corporation, na magbayad ng “tamang” buwis na P25 bilyon, bakit niya pinaligtas ang Del Monte?

Read more...