Wala nang urungan: AlDub tuloy na ang bakbakan sa #DabarkadsGoals ng Bulaga

ALDEN Richards versus Maine Mendoza. Yan ang inaasahang magaganap na labanan among Dabarkads ngayong Sabado sa Eat Bulaga.

Bahagi ng 38th anniversary ng programa ang pagta-tandem ng dalawang Dabarkads para sa segment sa #DabarkadsGoals. Unang nanalo ang team nina Alden at Sinon Lloresca na binigyan ng bagong bihis ang kantang “Let’s Get Physical.”

Nu’ng Martes naman, nagsama sina Ryan Agoncillo at Maine bilang Team Ra-Men na sinayaw ang kantang “Alarma” na jungle ang motif. Wagi silang dalawa laban sa team nina Luan Dy at That’s My Bae Miggy Tolentino.

Buwis-buhay ang ginawang pagsirku-sirko ni Meng bilang Jungle Girl. Sumabay naman si Ryan sa liksi at lambot ni Maine sa paghataw on stage!

Ang nakakatuwa kay Ryan, hayun at todo suporta ang pamilya niya sa kanyang performance. Cheer to the max sa kanya ang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna, huh!

Supalpal tuloy ang bashers ng Phenomenal Star na nagsasabing wala siyang karapatang sumayaw. Aba, impressed nga si Joey de Leon sa ginawa niya at kung meron nga lang Best Performer sa labanan, sure winner na si Meng!

Naku, pagdating sa Sabado, matira ang matibay kina Alden at Maine na nangangamoy na ang bakbakan!

As usual, dedma lang sina Alden at Maine sa mga bagong pinalulutang na tsismis ng kanilang mga bashers.

Tanggap na ng magka-loveteam na hindi talaga sila tatantanan ng kanilang mga detractors, lalo na ‘yung mga inggit na inggit sa kanilang samahan.

Read more...