Bahay sa Baguio nasunog; P100K naabo

Di bababa sa P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang bahagi ng isang 2-palapag na bahay ng negosyante Baguio City kahapon, ayon sa mga otoridad.
Pagmamayari ni Wahab Macalangan, 44, ang napinsalang bahay sa Crystal Cave, Bakakeng Central, ayon sa ulat ng Cordillera Regional Police.
Naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon.
Sinabi sa pulisya ng isang residente na nakarinig muna siya ng pagsabog at matapos iyo’y napansin na umuusok na ang bahay.
Iginiit naman ng may-ari na bago siya umalis ng bahay dakong alas-7 ng umaga’y hinugot niya sa pagkakasaksak lahat ng appliance, kaya walang tumatakbong kuryente na maaaring maging sanhi ng pagsabog.
Naapula ang apoy pasado alas-2 ng hapon at di bababa sa P100,000 ang dinulot nitong pinsala, ayon sa ulat ni Insp. Hesus Yango, ng Baguio Fire Department.

Read more...