Klase sa ilang lugar sunuspinde dahil sa malakas na pag-ulan

SINUSPINDE ang klase sa ilang lugar ngayong araw dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Gorio.
Umaga pa lamang ay nagsuspinde na ang lokal na pamahalan ng Caloocan City ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Bago magtanghali, naglabas na rin ng abiso ang ilang lugar kaugnay ng suspensiyon ng klase kabilang na
Cavite, lahat ng antas (pampubliko at pribado paaralan); Malabon City, lahat ng antas (pampubliko at pribadong paaralan); Navotas City,  preschool hanggang high school (pampubliko at pribadong paaralan); Quezon City, preschool hanggang high school; Valenzuela City, preschool hanggang high School (pampubliko at pribado) at Maynila, elementary hanggang high school (pampubliko at pribado)

Read more...