Coco pinaiyak si Whang-ud, niregaluhan ng litrato, unan

KAHIT pala ang iconic Kalinga elder tattooist na si Whang-ud ay adik na adik sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. Alam n’yo bang sandamakmak na Probinsyano memorabilia ang matatagpuan sa kanyang bahay?

Ayon sa ilang kapamilya at kaibigan ni Whanmg-ud, big fan daw talaga ito ni Coco kaya napakarami nitong memorabilia mula sa mga t-shirt, poster, at isang life-size standee ng Teleserye King. May isang espesyal na lugar daw talaga ang mga ito sa tahanan ni Whang-ud.

Sa official Instagram account ni Coco, naka-post ang picture ni Whang-ud na may hawak na signed portrait ng award-winning actor. Bigay daw talaga ito mismo ni Coco sa kanya kasama pa ang isang bagong Probinsyano pillow at t-shirt.

Sa caption ng photo, sinabing naluha raw si Whang-ud nang tanggapin ang regalo ni Coco at sinabing matagal na niyang hinihiling na makita nang personal ang aktor.

Read more...