Ai Ai kabado sa kasal nila ni Gerald: Hayaan mong magbago ang isip niya, akin na siya!


DISYEMBRE 12 ang kasal ni Ai Ai delas Alas sa boyfriend niyang si Gerald Sibayan. First time niyang ikakasal sa simbahan kaya gusto niya talagang magandanh-maganda siya!

Sa isang hiwalay na chikahan after niyang pumirma ng bagong two-year contract sa GMA, mas kinakabahan daw siya kumpara kay Gerald. Hindi kaya magbago ang isip ng fiancée niya?

“Ako nga ‘yung nagdadalawang-isip. Dapat nga 2018. Hayaan mo na kung magbago isip niya. Wala na siyang magagawa. Kasal na siya sa akin! Ha! Ha! Ha!” saad ni Ai Ai.

Nakatakda na niyang ipagawa ang kanyang white gown na pipintahan ni direk Louie Ignacio. Isa naman sa bridesmaids niya si Megastar Sharon Cuneta.

Mabuti naman at pumirma na siya uli ng kontrata sa GMA dahil may mga tsismis nga na babalik na raw siya sa dati niyang network.

“Eh, GMA lang naman ‘yung may offer. Nabalita kasi na gagawa ako ng movie sa Star Cinema. Pero wala pa ‘yon. Saka natuwa ako dahil pinayagan nila akong mag-guest kay Ama, (Tonight with Boy Abunda) para mag-promote ng movie. Akala nila ABS uli ako. Promo lang ‘yon.

“Siyempre, kung saan naman may trabaho, di ba?” rason ng Comedy Queen.

Sa bagong kontrata, magkakaroon siya ng bagong soap opera at bagong sitcom kasama uli si Vic Sotto pag natapos na ang Hay Bahay.

Pero bago ang mga ‘yon, special guest si Ai Ai sa pilot week ng Super Ma’am series ng “kakambal” niyang si Marian Marian.

“Naku, kahit super-duper hirap ‘yung fight scenes namin ni Kambal, pumayag ako alang-alang sa pagmamahal namin sa isa’t isa! Grabe, mangiyak-ngiyak ako dahil sa bakbakan namin ni Marian!” bulalas ni Ai Ai.

Read more...