Teacher Georcelle: Nasa-schock sila sa mga pinagdaanan ko sa buhay, kaya g

KUNG may isang choreographer ngayon na masasabi nating pinakasikat sa kanyang larangan, lahat siguro ay sasang-ayon sa amin sa pangalang Teacher Georcelle Dapat Sy, ang taong nasa likod ng matagumpay na G-Force.

Kilalang-kilala siya sa entertainment industry bilang top dance choreographer, halos lahat ng kilala at sikat na performers ngayon ay dumaan sa kamay niya, lalo na ang mga magagaling na Kapamilya performers.

Sa nakaraang launching ng kanyang kauna-unahang libro, ang “The Force Within” mula sa VRJ Books, pinangalanan ni Teacher Georcelle ang ilan sa mga artistang naturuan niya at proud na proud siya sa mga narating ng kanilang mga career.

Nabanggit niya ang mga pangalan nina Sarah Geronimo, Maja Salvador, KC Concepcion, Anne Curtis, Rayver Cruz at Enrique Gil, na talaga namang kilalang-kilalang ngayon sa kanilang galing pagdating sa paghataw on stage.

Tulad ng karamihan sa atin, marami ring pinagdaanan si Teacher Georcelle sa kanyang personal na buhay at career bago niya narating ang tagumpay at bago nakilala ang G-Force na nagsimula lang bilang back up dancers sa iba’t ibang TV/live shows, concerts at iba pang showbiz events, pero ngayon ay may sarili ng tatak sa entertainment industry.

Sa tanong kung bakit napapayag si Teacher Georcelle na gumawa ng sariling libro tungkol sa kanyang buhay, on and off stage, aniya naniniwala raw kasi siya na sa pamamagitan ng “The Force Within” ay mas marami pa siyang mai-inspire na tao, lalo na ‘yung mga nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

“A lot of people are inspired, kuwentuhan over coffee. Nagugulat sila sa pinagdaanan ko. And then, pag nagulat sila, sabi ko, ‘Ba’t kayo gulat na gulat?’

“So I thought na some of my stories ay common, but how I deal with them, yun siguro ang nakakagulat,” aniya pa.

Siya na ngayon ang itinuturing na Pambansang Teacher sa mundo ng sayawan at hatawan, okay lang ba talaga sa kanya ang tawaging “teacher” na ayon sa iba ay nakakatanda (40 pa lang si TG) o symbol ng isang taong may authority, “Well kasi, ang tagal ko nang nagtuturo. And my students talaga call me, ‘teacher.’ And because of it, nakasanayan na.

“I don’t really mind, and I don’t see it na nakakatanda or may authority. No, no naman,” tugon ni TG.

Ang “The Force Within” ay naglalaman ng eight chapters kung saan nakapaloob ang mga working experiences ni Teacher Georcelle sa mga nakatrabaho niyang celebrities.

Mababasa rin dito kung paano siya naging in-house dancer instructor at director sa ABS-CBN Talent Center. Regular pa rin rin nagpe-perform ang G-Force sa ASAP at iba pang major productions ng ABS-CBN.

Available na ang “The Force Within” sa National Book Store at Powerbooks. Guys, hindi lang ito para sa mga nangangarap maging dancer, ha, pwedeng-pwede rin ito sa lahat ng taong nawawalan na ng gana sa buhay dahil sa mga challenges ng buhay.

Read more...