Isinara ang mga pintuan ng plenaryo ng Kamara de Representantes kahapon bilang bahagi ng reporma para pumasok sa oras ang mga kongresista.
Matapos ang pagkanta ng Lupang Hinirang at pagdarasal, isinara ang mga pinto para sa roll call alas-4 ng hapon.
Ang mga wala sa loob ng plenaryo ay mamarkahan na absent. Binuksan naman ang mga pintuan matapos ang roll call.
Sa 294 kongresista, 266 ang nasa loob ng Kamara ng isagawa ang roll call.
Ikinatuwa ni Buhay Rep. Lito Atienza ng House minority bloc ang pagbabagong ito at tumama umano ang bilang sa mga kongresista na nasa loob.
Bago ito ay madalas na nagrereklamo si Atienza dahil marami umano ang hindi pumapasok sa oras kaya hindi makapagpatawag ng roll call sa pagpatak ng 4 ng hapon.
“We hope this display of leadership would continue to make us more productive,” ani Atienza.
Plenaryo isinara para late na cong hindi makapag-attendance
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...