Sarah nadulas, nadapa sa ASAP; Popsters sinisi ang stylist

SARAH GERONIMO

NADULAS at nadapa si Sarah Geronimo sa recent production number niya sa ASAP last Sunday.

But she gracefully stood up at ipinagpatuloy ang kanyang number na parang walang nangyari. She personified what grace under pressure is all about.

Ang nakakaloka, kung saan-saan at kung kani-kanino sinisi ng ilang Popsters at netizens ang nangyari kay Sarah.

“Kasalanan yan ng pink na balabal nya at ng heels nya. But still She slays! Mas nanggigil pa nga eh.”

“Kasalanan ng sunglasses na suot niya.”

“Kasalanan ng mga audience yan, nadistract sya sa lakas ng sigawan.”

“Kasalanan ng stylist nya yan, may mabigat na faux fur na nga, may shades na, may 6 inch na heels pa.”

“Lagi naman syang naka heels. Wala lang syang tulog masyado kaya na out balance but still di naman halata.”

‘Yan ang hanash nila sa isang popular website. Pero mas marami pa ring Popsters ang pumuri sa pagiging professional ni Sarah.

Read more...