Alfred tinupad ang pangakong church wedding kay Yasmine

TINUPAD ni Cong. Alfred Vargas ang pangako sa asawang si Yasmine Espiritu na pakakasalan siya sa simbahan matapos ang civil wedding nila noong July 23, 2010.

After seven years, humarap sa altar ng Manila Cathedral last Sunday ang mag-asawa na sinaksihan ng mga kaibigan sa showbiz at politika.

Hindi naman binigo ng kongresista ang asawa na bigyan ng magarbong kasal. Kaya naman habang naglalakad patungong altar, kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Yasmine.

Pero si Alfred, hindi napigilang umiyak nang bigkasin ang salitang, “I do.” Umiyak din si Yasmine kahit paminsan-minsan ay bumubungisngis, huh!

Ilan sa ninang sina Vice President Leni Robredo, Manay Lolit Solis, GMA executive Lilybeth Rasonable at Kris Aquino. Magkahiwalay nga lang sila ng upuan ni Q.C. Mayor Herbert Bautista na tumayong cord sponsor. Panay ang biro namin kay Mayor Bistek dahil sa presence ni Kris.

Ang mga ninong na kilala namin ay ang Seiko Films boss na si Robbie Tan, Cong. Sonny Belmonte at former Sen. Mar Roxas. Flower girls naman ang anak nina Alfred at Yasmine na sina Alexandra at Aryana.

Ilan sa showbiz friends ni Cong. Alfred na dumalo ay sina Dingdong Dantes, Diana Zubiri at asawang si Andy Smith, at Francine Prieto.

From Manila Cathedral, nagsalu-salo ang lahat sa Manila Peninsula Hotel. Best wishes, Alfred at Yasmine!

Read more...